Thursday, February 16, 2012

CAMILLE TOLENTINO

        Ako si Camille aquino tolentino, ako ay labing anim na taong gulang na nakatira ako sa Brgy.concepcion sabang, San Pablo City, Laguna. Ang pangalan ng aking mga magulang ay sina Rommel Tolentino at Raquel Tolentino, at ako ay mayroong dalwang kapatid , ang pangalan nila ay sina Jimwell Tolentino at ang bunso naman ay si Clark James Tolentino.Ang aking na si Jimwell Tolentino ay nag-aaral sa GUERILLA Elem. School, siya labing taltlong taong gulang. Ang bunso ko namang kapatid ay labing isang taong gulang pa lamang.Ang aking pamilya ay masayang namumuhay.Ako ay kanilang pinagaaral ng mabuti at maayos, sa paaralan ng Col. Lauro, D. Dizon.Ako ay nasa ikaapat na taon na ng Highschool, kahit mahirap na ang buhay ay napag aaral ako ng mabuti ng aking mga magulang.
       Sa kabutihan nilang iyon susukllian ko sila ng magandang paguugali at tutulungan ko sila, tuwing pag-awas ko ako ay gumagawa ng mga proyekto at takdang aralin para sa kinabukasan maayos akong makakapasok at para narin magkaroon ako ng maganda at mataas na marka. Kahit hating gabi na ako nakakatulog ay ayos lang basta matapos ko lamang ang aking mga dapat gawin, binabantayan ko din ang aking kapatid pag maaga akong natatapos sa aking mga ginagawa, tapos nakikipag kwentuhan din ako sa aking pamilya o kaya may pinapanuod kami habang nakain, pagkatapos ng mga yon ay magsisitulog na kami. Kina bukasan ay may pasok na naman maaga na naman ang gising, mas maagang gumigising ang aking mga magulangpara ipaghanda kami ng aking mga kapatid ng almusal, pagkatapos noon ay gigisingin na kami, pagkatapos noon ay maghahanda na kami para sa pag pasok, maaga akong pumapasok para hindi ako mahuli sa aking unang klase.
        Pagpasok ko ng silid aralan ay kukuha ng libro at magbabasa basa para mapagarlan ang mga susunod na leksyon.Nakikinig ako sa aking mga guro upang matutunan ang mga pinagaaralan para pag dating ko ng kolehiyo ay marami na akong alam, minsan pagkaawas namin inaantay ko ang mga kabarkada kong umawas para pag uwian na ay makakasabay sabay kami, nag-gagala gala muna kami minsan sa bayan kasi madalas may kailangan kaming bilhin, minsan kakain kaya pag uwi ay busog na. Pagdating ko sa bahay ay magpapahinga na.Pagka tapos ng mga iyon ay ginagawa ko na ang aking mga dapat gawin, minsan ay tinatanong ako ng aking ina tuwing tutulog na at kinakamusta ang aking pagaaral, lagi niya akong pinapayuhan na wag ko daw papabayaan ang aking pagaaral yun lang daw kasi ang kayamanang maibibigay nila sakin.
       Hindi ko naman pinababayaan ang aking pagaaral, kaso lang ay nag kadelikado ako ng dalwang subject na tagilid .palagi kong iniisip yon gabi-gabi ,palagi akong umiiyak "pano ko kaya mababawi yun"?. Pagbubutihan ko pa ang aking pag aaral para mabawi ko ang mga delikado kong subject, nung sinabi ko yun sa aking ama't ina ay nalungkot sila ng husto, hindi ko alam kung anung gagawin ko, pagkatapos ay kinausap ng mga guro ko ang aking ina, sinabi ng mga guro ko ang lahat ng mga problema dapat daw ay gawin ko lahat para makabawi ako kailangan ko daw pagbutihin pang lalo ang aking pagaaral dahil kung hindi ay babagsak ako, sayang lang ang isang taon na ipinasok ko sa 4th year, araw-araw na pag pasok ko sa iskwelahan ay pinapayuhan na pag igihin ang pagaaral, kaya ayun lagi pinagaayos ko na lahat kahit mahirap.
 
       Kaya akko nagkaroon ng bagsak ay dahil kakagala at kakalakwatsa ko, dati hindi ko iniintindi ang pagaaral kahit lumiban ako sa klase ay ayos lang, hindi ko man lang inisip yung pag papakahirap ng magulang ko para sakin,kung pinag igi ko lang sana ay naging maayos ang aking pagaaral sana ay hindi na ako nagsisisi sa huli, ngayong mamatapos na ako sa highschool ay mas lalo kong pinagiigi ang aking pagaaral, marami kami palaging ginagawa, palagi din kaming nakakaroon ng pagsusulit sa ibat ibang subject, para sa huling pagsusulit ay mas madali naming maiintindihan ang mga tanong .


Kahit nga minsan ay litong lito ako sa iba naming panagaaralan ay talagang pilit kong iniintindi, minsan kahit pago na sa pagiisip at paggawa ng anumang pinagagawa ng aking mga guro ay tuloy padin konting tiyaga lang talaga kahit hirap na hirap na ngawit na ang leeg ko kahit malabo na ang mata ko ay ayos lamang basta maging maayos lamang ang aking dapat gawin at matapos sa takdang oras at panahon ngayong highscholl talaga ang pinakamasayang nangyari sa parte ng buhay ko.
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nagyari sa akin sa panahong iyon, dahil dito ako unang magkaroon ng mga kaibigang masayang kasama, yung tutulungan ka sa mga problema mo palaging andyan, dito ko din unang naramdaman ang unang pagmamahal, Second year palang ako ay nagkaroon na ako ng pagtigin sa isang lalaki at sa hanggang sa niligawan niya ako, hanggang sa naging kami pero para sakin ay "puppy love"  palang iyon, dahil nasa isip ko ay parang paghanga lang ang turingan namin, pero dumating yung oras na bumitaw na siya.

Dumaan ang third year, balikan hiwalayan tapos hanggang ngayong 4th year na kami parang walang nagbago sa aming pagsasamahan, mabait kasi siya ,masipag na mapagmahal pa, tapos pag may problema ako palagi siyang nandya para sakin hindi niya ako pinababayaan lagi niya akong tinutulungan sa anumang gawain. Ngayong highschool ang pinaka naging masaya sakin ay 3rd year sumunod ay 2nd year at 4th year . Ngayon naman 4th year na ako mas madaming pagdiriwang sa paaralan, palagi akong sumasali kasi ito ang huling taon ng aking highschool.



Ang hindi ko makakalimutan ay ang magkaroon ako ng tagapayo na napakasipag, mabait at masayahin lahat na ata ng katangian ay nasa kanya na, unang pagkakataon ko na magkaroon ng ganung guro. Napakasaya ng pangkat namin dahil siya ang napiling maging tagapayo namin kahit minsan ay pinapainit namin ang kanyang ulo o binabarino, pero humihingi agad kami ng paumanhin sa kasalanan naming mga nagawa, nagpapasalamat ako sa panginoon dahil; ibinigay iya sakin ang mga magagandang nangyayari sa aking buhay.




























No comments:

Post a Comment